Wikang Filipino: Isang bayan, Isang wika tungo sa kaunlaran at pagkakaisa ng bansa
Wika ang isang pangunahing instrumento na ginagamit sa pagbubuklod at pagpapatatag ng isang bansa sa kanyang lipunang ginagalawan. Ito ang nagsisilbing susi para sa maayos at magandang ekonomiya ng isang bansa, ito rin ay nakatutulong upang maging bukas sa mas maraming oportunidad ng kalakalan at kapayapaan sa loob at labas ng bansa. Sa Pilipinas, wikang Filipino ang ginagamit ng mga mamamayan sa bansang ito para sa kanilang komunikasyon at pang araw-araw na gawain. Bilang isang mamamayang Pilipino, mahalagang mayroon tayong kaalaman kung paano nakatutulong ang ating wika sa pag usbong at pag-unlad ng ekonomiya ng ating bansa sa iba’t ibang aspeto at larangan sa bawat lipunan. Ang wika ay nagtataglay ng kasaysayan, tradisyon at tatak ng isang bansa. Gaya sa atin, ang wikang Filipino naglalaman ng ating kasaysayan, kultura at identidad. Sa pamamagitan nito, nagkakaron ang bawat isa sa pagkakataon ng kaunawaan sa sariling pinagmulan ng ating bayan. Sa larangan ng edukasy...